Dennis sinagot akusasyon ng anak na ‘pamamahiya’: Miss ko lang kayo

 

Sinagot na ni Dennis Padilla ang akusasyon ng anak na si Leon Barretto ukol umano sa kanyang pamamahiya sa kanilang magkakapatid sa social media.

Matatandaang kamakailan ay nag-iwan ng mahabang mensahe si Leon para sa ama sa Instagram.

Inulan kasi sila ng kanyang kapatid na sina Julia at Claudia ng pambabatikos dahil sa kanilang ‘di umano’y pang-iisnab kay Dennis noong Father’s Day.

Ani Leon, napapahiya umano sila sa tuwing inilalabas ni Dennis sa media ang kanilang mga pribadong buhay.

Samantala, ayon kay Dennis, nagawa niya lang ito dahil sa sobrang pagka-miss sa mga anak.

Dagdag pa riyan, gusto rin malaman ni Dennis ang kanyang mga maling nasabi tungkol sa mga anak.

“I’m so sorry leon… Miss ko lang kyo… God bless you more! Just want to know what false narrative i said in public? I’ve been reaching out to all of you for 15years in private,” pahayag ni Dennis sa IG.

Comments

Popular posts from this blog

JUST IN: SIKAT NA TALKSHOW HOST PUMANAW NA

JUST IN: Sikat na Youtuber Pumanaw na dahil sa cancer