Ina ng nanagasa sa sekyu nagmano sa officer in charge ng PNP

 Kumakalat ngayon sa social media ang larawan kung saan nagmano kay Police Lt. Gen.Vicente Danao Jr. ang ina ni Jose Antonio San Vicente na nanagasa ng isang security guard.



Viral ang paskil ni DZRH radio commentator Paolo Capino nang sabihin nitong mali ang ginawa ni Danao na pahintulutang magkaroon ng press conference ang pribilehiyong pamilya.


“This photo is trending on social media. Pretty bad optics of Gen Danao given the circumstances and allowing a press conference and providing airtime to a privileged family,” ani Capino.


Hindi umano maitatago ang kulturang padrino pagdating sa sistema ng hustisya.


“No attempt to hide of what seems to be the culture of padrino when it comes to the justice system,” dagdag pa niya.


Gigil na gigil din ang netizens dahil sa naging ispesyal na trato sa suspek.


“so… pano na yan? alam na this. wag na umasa. padrino padrino lang yan. kaawaawa ung sinagasaan ng hayop na to. walang justice talaga dito sa bayan na to,” komento ng isa.


“Moral of the story: Mag-aral at mag-trabaho ka ng maigi para pag dating ng araw, pwede ka na magnakaw, pumatay at managasa ng tao at di ka makukulong,” sey ng isa.


“Kakahiya kakasuka kakadiri. Talaga bang wala ng matinong pulis ang Pinas?” tanong ng isa.





Comments

Popular posts from this blog

JUST IN: SIKAT NA TALKSHOW HOST PUMANAW NA

JUST IN: Sikat na Youtuber Pumanaw na dahil sa cancer