JUST IN: OGIE DIAZ BUMALIGTAD NA?



Kahit isa siyang proud na kakampink ay taos-puso pa ring nagpaabot ng pagbati si Ogie Diaz sa bagong pangulo na si Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.


Sa kanyang FB post ngayong Huwebes, sinabi ni Ogie na noong Mayo 10 pa lang ay tanggap na niya ang resulta ng eleksyon. Tinambakan ni Marcos ang manok ni Ogie na si Leni Robredo.



 

Dahil tanggap na ang resulta ng eleksyon, maluwag na sa loob ng talent manager na batiin at suportahan ang bagong pangulo.


“Kasama nyo po ako sa magaganda nyong hangarin at adhikain para sa bayan at sambayanan, PBBM,” aniya.


“Kasama din po ako ng taumbayan sa pagdarasal na sa pamamagitan po ninyo ay matamasa natin ang inyong hangarin na pagkakaisa bukod sa kaunlaran ng Pilipinas sa kabila ng mga pagsubok na dumarating sa bayan at bawat Pilipino.”


“Makakaasa po kayo na sasaluduhan ko ang bawat tama at nararapat na inyong gagawin at sana ay maging bukas din po ang inyong puso sa pagtanggap ng mga komento, suggestions o payo,” wika pa niya.


“Mabuhay po kayo, Pangulong BBM!” pagtatapos ni Ogie sa kanyang post.


Comments

Popular posts from this blog

Whamos tinakpan mukha para hindi mapaglihian ni Antonette Gail