Kris Aquino, Nagpaalam Sa Kanyang Mga Friends At Followers At Sinabing Oras Na Umano Ang Kalaban Niya: “For now and the next few years- sadly, it’s goodbye”



Matapos nga ang balitang inihabilin na umano ng “Queen of All Media” na si Kris Aquino ang kanyang mga anak sa kanyang mga kapatid dahil sa lumalala nitong kondisyon, isang nakakalungkot na update naman ang ibinahagi nito sa kanyang social media account.

Sa kanyang Instagram, nito lamang June 3, 2022, sinabi ni Kris na ang oras na umano ang kanyang kalaban ngayon. Dahil na rin sa mga komplikasyon sa kanyang kalusugan at sa pambihirang sakit na mahirap umanong mabigyang lunas.

Kinumpirma rin nito na natuloy na rin sa wakas ang matagal na niyang planong pagpunta sa Amerika para sa kanyang pagpapagamot. Nakasaad rin sa kanyang post na matagumpay na umanong nadiagnosed kung ano ang sakit na nagpapahirap sa kanya. Maliban sa sakit na Lupus mayroon rin itong tinatawag na Eosinophilic Granulomatosis with Polyangiitis o EGPA. Kung saan nagdudulot ng asthma, weight loss, gastrointestinal intolerances at fluctuating blood pressure, na naging hadlang para makabiyahe noon.

Comments

Popular posts from this blog

Whamos tinakpan mukha para hindi mapaglihian ni Antonette Gail