Netizens, Nabahala Sa Biglaang Pagpayat Ni Erich Gonzales

 Maraming netizens ang hindi napigilan na mag-alala at mabahala dahil sa biglaang pagpayat ng aktres na si Erich Gonzales.




Napansin nga ng publiko na napakalaki talaga ng pinayat ni Erich nang mag-post ang aktor na si JC De Vera para i-promote ang kanilang bagong serye na pinamagatan na "La Vida Lena." Kasama ni JC sa nasabing serye ang kaniyang mga co-star na sina Carlo Aquino, Erich Gonzales, at Kit Thompson.


Ani JC sa caption ng kaniyang post,


"No streaming!! LA VIDA LENA. Mapapanood nyo ito sa iwantTFC. Don't forget to download the app muna ha. #Dreamscape #abscbn #series #iwanttfc #lavidalena"





Marami naman sa mga netizens ang nakapansin sa labis na pagkapayat ni Erich sa litrato. Marami pa ang nagsabi na tila malapit ng maging kalansay ang aktres dahil sa hitsura ng pangangatawan niya ngayon.


Narito pa ang ilan sa kanilang mga komento:


"Sobrang payat ni Erich"


"D bagay kay erich ang payat"





"Grabe payat di na maganda malapit ng maging kalansay."


"Ang payat ni Erich...."


Matatandaan sa storyball ng teleserye na "Ang Lihim Ni Ligaya" noong Pebrero 19, 2020, ibinalita na bida dito sina Ivana Alawi at Kit Thompson. Gayunpaman, nagpasya si Ivana na magback-out para sa nasabing proyekto sa kadahilanan na hindi pa siya handang mag-take ng risk habang laganap pa ang C0VID-19 pand3mic sa bansa.


Matapos tanggihan ni Ivana ang role, kumalat naman ang mga balita na si Erich na ang sasalo dito. Ngunit, napalitan naman ang pamagat ng teleserye at ginawang "La Vida Lena." Ang leading man pa din sa nasabing proyekto ay si Kit Thompson. Ang nadagdag ay sina JC De Vera at Carlo Aquino.

Comments

Popular posts from this blog

Whamos tinakpan mukha para hindi mapaglihian ni Antonette Gail