Skusta ‘di totoong nag-walkout! ‘Nahirapan lang sa paghinga’

 Nilinaw ng organizer ng Aurora Fest 2022 na hindi totoo ang kumakalat na video na nag-walkout daw si Skusta Clee sa gitna ng kanyang pagtatanghal noong Linggo.



Mayroon kasing kumakalat na video sa social media na: “Skusta Clee nag-walk out sa Pandayo alon water music festival”.



 

Sa video, mapapanood na tumalikod si Skusta sa mga manonood at nagpunta sa dulo ng stage.



 

Ngunit itinanggi ng organizer na nag-walk out ang musikero.


“Maayos na natapos ni Skusta Clee ang kanyang performance sa Alon,” saad sa pahayag. “Nagkaron lang sya ng bahagyang hirap sa paghinga, ngunit ang buong set ng EXB at mismong set nya ay maayos at masayang natapos.”


“Wala pong back out o walk out na nangyari,” dagdag pa nito.


Si Skusta ay binubugbog ng kanyang mga basher dahil sa panloloko umano nito kay Zeinab Harake.

Comments

Popular posts from this blog

JUST IN: SIKAT NA TALKSHOW HOST PUMANAW NA

JUST IN: Sikat na Youtuber Pumanaw na dahil sa cancer