Whamos Cruz, Plano Nang Pakasalan Si Antonette Gail Matapos Ang Anunsyo Sa Pagbubuntis Nito: “Soon guys, siguradong-sigurado na”


 

Viral ngayon sa social media ang parehong latest Facebook post ng content creator couple na sina Whamos Cruz at Antonette Gail del Rosario nito lamang June 24, 2022.

Sa video post ni Whamos na may title na “Practice para sa darating na kasal”, tila umano tuloy na tuloy na ang planong pagpapakasal ng magkasintahan matapos ngang gulatin ng mga ito ang publiko sa kanilang anunsyo na magiging ganap na mga magulang na sila sa kanilang anak na ipinagbubuntis ngayon ni Antonette.

Ayon sa panimula ni Whamos, nais niya umanong tanongin ang kanyang nobya kung saan ba nito gustong ikasal sila.

“Soon guys, siguradong-sigurado na ‘toh at fight na fight na ‘toh.”

Excited na pahayag ni Whamos.

Nang tanongin na nito si Antonette kung ano ba ang kanyang dream wedding, pangarap talaga umano nitong ikasal sa simbahan partikular na sa Manila Cathedral at ang pangalawa umanong gusto niya ay isang beach wedding ceremony. Napag-usapan rin ng magkasintahan maging ang nais nilang color motif sa wedding kung saan napili ng couple ang kulay sky blue. Mapapanood rin na tila pina-practice pa ng mga ito ang kanila umanong paglakad sa aisle.


Comments

Popular posts from this blog

JUST IN: SIKAT NA TALKSHOW HOST PUMANAW NA

JUST IN: Sikat na Youtuber Pumanaw na dahil sa cancer