Whamos tinakpan mukha para hindi mapaglihian ni Antonette Gail

 



Todo pagtatakip si Whamos Cruz sa kanyang mukha dahil ayaw niya umanong paglihian siya ng girlfriend na si Antonette Gail.

Sa Facebook video, ibinahagi ni Antonette ang ginagawang pagtatakip ng mukha ni Whamos gamit ang printed na mukha ni Coco Martin.


 
Aniya, sana ay maging kahawig ni Coco ang anak upang humaba pa ang buhay nito katulad ng karakter ng aktor sa “Ang Probinsyano” na si Cardo.

Samantala, sinabi ni Antonette na mas maigi kung magiging kamukha nila parehas ang anak dahil wala naman umanong mali sa mukha ni Whamos.

Sa katunayan nga raw ay gwapo ito subalit payat nga lang.

Una na ring ipinahayag ni Whamos na ayaw niyang makuha ng anak ang kanyang hitsura dahil ayaw niya itong makatanggap ng panlalait mula sa mga tao.

Comments

Popular posts from this blog