Ivana naimbiyerna sa hawak ni Gerald

 Muntik nang “mag-walkout” si Gerald Anderson matapos maimbiyerna sa kanya si Ivana Alawi.



Ngunit lumabas pa rin ang pagiging maginoo ng aktor na hindi alam na pina-prank lamang siya ni Ivana sa shooting ng teleseryeng “A Family Affair”.



 

May emotional scene sa loob ng sasakyan sina Ivana at Gerald, kung saan hahalikan ni Gerald ang kaliwang kamay ng sexy actress.


Nagkunyari si Ivana na nasaktan siya matapos umanong pisilin ng aktor ang namamaga na ngang kamay niya.


Kakuntsaba ng aktres ang production team ng serye.


“Aray ko… Sh*t. Ang sakit nga eh, napisa mo kasi,” ang sabi ni Ivana kay Gerald.


Nilapitan sila ng staff ang tinanong kung ano ang nangyari.


“Si Ge [Gerald] pinisa niya ‘yung kamay ko. Di ba namamaga, naipit kanina,” ani Ivana.


Panay naman ang sabi ni Gerald na lagyan ni Ivana ng yelo ang namamagang kamay ngunit patuloy na nagsusungit sa kanya ang aktres.


Nang ibunyag na ni Ivana na prank lamang ang pagtataray niya ay katakot-takot ang pagso-sorry niya at niyakap si Gerald.

Comments

Popular posts from this blog

Whamos tinakpan mukha para hindi mapaglihian ni Antonette Gail